Una sa lahat, kung maiiwasang umutang sa online lending ay umiwas na dahil nga sa reported na mataas na interest rates at sa mga illegal na ginagawa ng ilan sa kanila.
Ayon sa ating Saligang Batas, hindi nakukulong ang sinuman dahil sa hindi pagbayad ng utang except kung ang pag-utang ninyo ay ginawa nang may panloloko or fraud or panlilinlang, halimbawa mapatunayang umutang na walang planong bayaran ang utang, in which case maaaring masaklaw ng estafa ang inyong ginawa na siyang may karampatang parusang kulong and/or multa.
Gayunpaman, pinapaalala namin na kailangan pong bayaran ang anumang pagkakautang. Maaaring partial payment or full payment ang gawin. Kung hindi pa fully paid at lumagpas na sa period ng pagbayad, maaari rin pong sampahan ng civil case for collection and damages ng inutangan ang may pagkakautang sa kanya. Maaari itong small claims kung ang utang ninyo ay hindi lalagpas sa P1,000,000.00.
Ayon naman sa ating Civil Code, hindi pwedeng maningil ng interest (or penalties) unless ito ay nasasaad sa isang kasulatan (expressly stipulated in writing). Kailangan din pong nasasaad sa nasabing kasulatan na mapapatawan ng interest ang natitirang unpaid interest mula sa nakaraang payment period para maging valid ang pagpataw nito. Wala rin naman pong limit ang rate ng interest basta siguruhin lamang na ito ay “reasonable”.
Kung may kasulatan kayo, ang utang ay mapapatawan ng interest (at penalties) kung nakasaad ito sa kasulatan hanggang hindi nababayaran. Kung sakaling may kasulatan nga ng pagbayad ng interest at umabot naman ito sa korte, pwede pong ireduce ng korte ang amount ng interest kung masabi nilang unfair or unconscionable ang nasabing amount ng interest.
Kung magpataw ng interest at walang kasulatan ay illegal ito at maaaring masaklaw ng criminal case na violation ng Truth in Lending Act or RA 3765.
Sa ganang ito, kung hindi kayang bayaran nang buo agad ang utang, pwede pong makipag-usap directly sa nagpautang sa inyo tungkol sa restructuring ng pagbayad sa utang upang maipaliwanag ang inyong sitwasyon at humiling na mapagaan ang pagbabayad nito. Paalala lamang na ang desisyon ng nagpautang na magbigay ng restructuring ay purely voluntary at hindi maaaring ipilit sa kanila. Kung anuman ang mapagkasunduan ninyo ay mabuting ilagay sa isang kasulatan at ipanotaryo.
Pinapaalala rin namin na ang kontrata o agreement sa pagitan ng umutang at inutangan ay may bisa ng batas sa pagitan nila. Kailangan pong sundin ang mga karapatan at obligasyon ng bawat isa na nakasaad dito.
Gayunpaman, kung kayo ay kinukulit at pinagbabantaan at tinatakot na idedemanda nang paulit-ulit, maaari itong ireport sa kinauukulan.
Una, ayon sa Data Privacy Act, meron tayong karapatan na maprotektahan ang ating personal na impormasyon at masiguradong magagamit lamang ito para sa mga layuning sinang-ayunan natin o iba pang legal na layunin. Ang National Privacy Commission (NPC) ay ang ahensyang may mandatong siguraduhin na narerespeto ang mga karapatang ito.
Noong Setyembre 14, 2020, naglabas na ang NPC ng abiso na tahasang ipinagbabawal ang mga online lending firm na mangolekta at gumamit ng impormsyon ng mga contacts ng mga kustomer nito (e.g. pangalan at numero), mula man sa cellphone o sa social media (https://www.privacy.gov.ph/wp-content/uploads/2020/10/NPC-Circular-No.-20-01.pdf). Higit pa, ipinagbawal nito ang anumang paraan ng pag-harass sa kustomer gamit ang nakalap na impromasyon mula sa contacts.
Para matugunan ang harassment na iyong nararanasan, maaari kang sumangguni sa NPC at mag-file ng complaint sa numerong 8234-2228 (gamitin ang Local 114), o ipadala ang iyong salaysay sa complaints@privacy.gov.ph.
Pangalawa, kung may pag-threaten naman na ipapahiya ka o anumang mga pagbabanta ay itinuturing itong krimen ng threats, na pinarurusahan sa ilalim ng Revised Penal Code. Para i-report ito, maaaring sumangguni sa PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa kanilang Complaint Action Center/Hotline: Smart: +63 961 829 8083 at Globe: +63 9155898506. Ang mga number naman ng regional offices ng PNP-ACG sa inyong lokasyon ay makikita sa sumusunod na link: https://acg.pnp.gov.ph/main/contacts.
Maaari mo ring isangguni ang problema sa NBI Operation Center at 0961-734-9450, NBI Anti-Fraud or Cybercrime Divisions at 85238231-38, or i-message ang NBI sa kanilang website or social media account.
Pangatlo, ang gawaing ito ay itinuturing ring “unfair debt collection practice” na ipinagbabawal ng batas. Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC) Memorandum Circular No. 18, series of 2019, maaaring patawan ang kompanya ng multa mula P25,000 up to P1 million o i-suspend o i-revoke ang kanilang permisong gumawa ng lending activities. Para rito naman, maaaring mag-report sa SEC sa email na cgfd_md@sec.gov.ph (ang karagdagang detalye para sa complaint ay makikita sa https://www.sec.gov.ph/lending-companies-and-financing-companies-2/complaints/).
Kung napansin ninyo or napag-alaman na biglang nagpalit ng pangalan ang online lending apps, hinihikayat namin na ireport din ito sa SEC para ma-aksyunan nila agad.
Maaaaring sabay gawin ang mga report na ito, dahil iba-ibang aspeto ng sitwasyon ang rineregulate ng mga ahensya ng gobyernong ito.
Atty. Magandang araw po.,, isa po ako sa mga hinaharas sa mga online lending app po.,, stress at depressed po talaga ako kasi po di cla tumitigal sa pagtawag at text po.,, nagawa kong mangutang sa online lending po kasi kailangan na kailangan talaga.,, nagpapaliwanag naman po ako kung bakit po ako hindi makapagbayad dahil po gipit na gipit po ako., dumating na po sa point na gusto ko mg magpakamatay po para matapos na po grabe po talaga ang epekto po sa akin paano naman po ako makapagbayad po everyday po ang interest po at mas lalong lumalaki ang utang ko po dagil sa interest po .,, depressed na depressed po talaga ako po.,, alam ko naman po ang utang ay dapat bayaran pero gipit lang po talaga ako.,, ano po ba ang dapat kung gawin po stress at depressed na po talaga ako.,,, maraming salamat po sana matugunan
Hello attorney Magandang Gabi po!!!
Isa po ako humingi ng payo sa inyo, biktima rin ako ng online lending app.. Ang laki ng interest hindi ko na Kayang bayaran naubos ang pera ko sa ka kabayad at dumating ang Punto na tumawag sila sa akin at sa iba Kung kontak sa phone na kailangan ko raw bayaran ang utang ko Kung hindi ko MA bayaran e blocked Nila ako sa mga institutional government, at hindi na maka pag access ng any Bank account at padalhan Nila ako ng demand letter na takot po ako sa mga gagawin Nila!!!.. Tinatawagan Nila ang family ko!!!.. Honestly attorney okay nman po ako magbayad ang kaso Lang gipit na ako., kunti Lang iyong sales ko sa tindahan at pagtitinda ng ulam.. Lalong palaki ng palaki ang interest!!..
Pare has Po Tau at ung sakin Po my pag babanta pa sa Buhay ko kaya ko Rin nmn Po Hindi nabayaran KC gipit na gipit ako TAs Ang rude pa nila mag salita ganiyan dn Po sinasabi nila saki at pati dw Po mga Facebook friends ko tawagan at I chat nila
Atty. Isa Po ako sa mga kasalikuyang hinaharas Ng online lending apps naka Hiram lamang Po ako sakanila gawa Ng kagipitan at pag Hindi Po Ako nakakapag bayad puros pananakot at my pag babanta pa Po sa Buhay ko dpo ako maka bayad KC Po walang Wala ako at halos kapapanganak ko lng dn Po everyday mypatung stress na stress na Po ako my mga txt papo Sila na ipopost nila ako sa Facebook at cocontackin lahat Ng friends ko sa Facebook at satawag nmn Po Ang harsh Po nila magsalita nakikiusap kana pero Todo parin Ang pananalita nila sana Po matulungan niyo ako
Atty,.ako po biktima ng online pautang,.grabe po ang ginagawa nilang pang haharass sa kin,.ako poy sobrang depressed na dahil sa knilang ginagawang pamamahiya at pananakot,.tinetext po nila mga contacts ko na ako magingat daw sa kin dahil ako daw po ay tulak ng droga sa lugar namin,.tas me banta p po sila n ako daw po ay ipapatay sa knilang hitman,.nd n po ako mkaharap sa mga taong kakilala ko dahil sa sobrang kahihiyan,,sa 4k po na nahiram ko ay cnicngil nila ako ng 10k dahil overdue n daw ng 2 linggo ang utang ko,.tulungan nyo po ako kung anu dapt kong gawin,.nd n po ako mkapamuhay ng normal dahil sa ginawa nila,.ang sakit po nilang magsalita
Atty. Ako rin po ay isa sa mga tinatakot ng online lending ako po ay nakautang at inaamin ko gipit po tlaga ko ngayon mag bayad pero nag partial payment ako at ayaw nilang tanggapin tinatakot nila ako na at guguluhin ang mga contacts ko atty. Tulungan mo po ako mababaliw na ko kakaisip binayaran ko nmn ung inutang ko kung ano lang po an nareceive ko kc hindi ko po kayang bayaran ang malaking interests gipit na gipit po ako ngayon at hindi sila tumigil kakatawag at text sakin
Good evening po.humingi din po ako ng payo kasi nangutang din po aqu sa OLA ni po sa kagipitan at utang bayad din po sa inutangan Po kaya po nagpato g patong nga po ang utang ko..ksya po d n aqnkabayad .pero nkapag partial nmn po aq..now po hinahararh po nila aq at mga cbtactr ko po..at gumwa p po cla ng gc kasama ang mga friends ko po sa fb..kinuha nya po..anu po b gagawin ko..nakikipag ugnayan nmn po aq kaso minura nya p o aq..nung tatawagan ko po cya cant be reach n po..dami po number gibagamit po e..anu po b gagawin ko..
Andun p po kasama ang picture ko po at id ko po tama po b yun..scammer dw..magnanakaw ng libo libong pers dw po..nkikkiusap nmn po aq.anu po gagawin. Ko po sa ginawa po ng OLA agent po nila
alam ko nman yung obligasyon ko sa inyo hndi ko nman kayo tatak buhan sadyang wla pa ako pang bayad ngaun pero sa oras na nag ka pera ako babayaran ko agad yan sa inyo.yun po sabi ko sa.kanila. una tatawag po sila anggang sa nakausap ko sila iba iba calls gamit mga ibang numbera na iba naman papatyin ako pati pamilya ko… Mga photos ko po ids at kasma don s sinend s aknila para ma approve yung pantakot nila sakin at pag papagrab p sila ngfoods n ako raw magbabayd gamit number ko at ids ko nasned sa kanila… Para mabaon sa utang raw… 7 days lang kase palugit para makabayd raw po… Una nakakabayad nman po ako anggang sa nagipit lang po pero magbabayad din po ako…
Anu po gnwa nyo ,ganyan din po sinasabi nila saakin
Magandang arw po,ano po dapat q gawin kc po hinaharas po aq ng online loan q na utangan,wla na po kc aq mahiraman kya sa online loan aq lumapit, nag babanta na po cla saakin pati sa facebook popost nila aq ,lahat po ng kontak q tatawagan nila at ipapahiya aq,anu po dapat q gawin na i stress na pi talaga aq
Atty. Chel Good afternoon po nangutang po Ako sa online lending Inaamin ko naman po sir tpos Hindi po Ako nakapg bayad agad Kase nagkaroon po ng emergency po sa kapatid ko 🥺 ngayun po sir Ang interest at pag babanta nila saakin sir ay nakakastress na po Hindi ko naman po tatakbuhan kaso po tlagang gipit lang po Ako sa ngayun ano po Ang dpat Kong gawin
Magandang araw atty..ako Rin po ay mkpg utang SA ola noong Una mabayaran KO Rin po kahit sbrang laki Ng interes dahil my emergency SA family KO Hindi KO na po mabayaran cla,atty gipit n gipit po ako at lalong nadepressed at stressed dahil SA MGA harassment at txt at twag nila,Hindi KO na po alarm ang gagawin KO atty.alam KO po na ang utang ay dapat bayaran pero walang wala ako ngayon atty..Anu ang aking gagawin atty plss help
Atty Chel ako Po ay hihingi Ng payo nkautang poko Ng 700k s loob Ng 1 yr mging 952k po…nbyran kunpo eh nsa 800k mhigit… S ksmaang plad ako Po ay nbangkrap at alm an Po Ng financing, pwede kunpo bng di byran Ang ntitirang blnce n interes Po?
Atty. Chel isa po ako sa nangutang sa OLA.. ang una po ay nabayaran nang partial same din hinaharas din ako may pagbabanta nakikiusap po ako sa kanila ni babayaran q at kung e long term nila dahil napakalaki nang interest sa halagang 4000 ang na approved is only 2200 at babayaran q with in 1week na delay lang po ako nang 1day marami na silang sinasabi na hindi maganda at pagdating nang overdue araw dumadagdag ang interest.. pinipilit q pa rin na mabayaran ang remaining na interest hanggang may nag chat at nagtanong kung may complain daw ako sa mga collector agent nila at nagpakilala na tagaHR daw xa at akoy kanyang tulungan hanggang nasabi q sa kanya lahat at sinabihan nya akong e refund nya ako pero bayaran q boo ang balance muna binayaran q naman po para makabawi sa mga ginagawa nang agent at marami xang pina applyan sa akin dahil doon daw e sesend yong refund q pero hindi naapproved tapos sinabihan nya ako na mam mayvtatawag sayo para ma refund na yong loan interest mo ang isasagot ko lng daw ay puro oo nagtaka man ako pero hindi ako makapag isip hanggang isang araw may tumawag at iyong na gustong kung sumagot na wala pero di q magawa at sabi nya kunin q na daw pero nong nakita q sa apps ang amount na ma loan pa rin d q ginalaw dahil ayaw q na dahil panibagong prob na naman pag kinuha q hanggang dumating ang due date nakuha na pala ang pera sa ibang gcash number at ngayon hinaharas na naman ako at kumuntak xa sa akin noong isang dahil pinadala kona ang convo namin sa email sa natorang OLA kumontak xa sa akin at parang nagmamadali na mag open ako nang apps may binigay xa sa akin na number at password at sabi nya sa akin hintayin q xa at hindi e la log out ang apps pero nilog out q dahil gusto kung malaman kung bakit at nagalit xa sa kin matigas daw ulo q kaya sure po ako na xa ang scammer at andyan lang xa sa loob….
Atty chel humihingi po ako nang tulong sa inyo sana po ay mabigyan nyo kami nang oras marami na po kaming victima salamat po atty chel