In general, hindi ito dapat ginawa ng inyong kapitbahay.
Maipapayo naming kausapin ang kapitbahay at ipaliwanang nang mahinahon na lumagpas ang kanilang bakod hanggang sa lote ninyo. Kung hindi magkasundo sa mabuting usapan, pwede nang simulan ang proseso ng pagpapaalis sa kanila sa lupa ninyo.
Pwede pong simulan ang proseso sa pagpapadala ng demand letter sa taong ayaw umalis sa inyong property. Mainam tandaan na ilagay sa demand letter ang demand na umalis siya sa property, ang kasunduan o kontrata na basehan ng iyong demand or ang katotohanan na pinatira lamang siya doon at kailangan na ninyong gamitin ito, ang pagtakda ng panahon para tumugon sila sayo, at ang paalala na maaari kang gumamit ng iba pang legal remedies para maipaglaban ang iyong karapatan kung hindi siya tumugon sa takdang panahon. Bukod dito, mainam din tandaan na ipadala ang demand letter gamit ang registered mail para makakuha mula sa post office ng proof of service o patunay na ito ay napadala sa iyong sinisingil. Maaari ring ipadala ang sulat gamit ang mga private courier na mayroong system para mapakitang natanggap ng pinadalhan ang sulat.
Maipapayo ring dumulog sa Lupong Tagapamayapa ng barangay na sakop ang property. Kung magkasundo ay ilagay ito sa kasulatan at ipanotaryo. Kung hindi naman, magpaissue ng Certificate to File Action
Maaari naman magsampa ng ejectment case kung saan hihilingin sa korte na utusan silang umalis sa property. Pwede ring maningil ng danyos para sa pinsalang dulot ng di nila pag-alis kaagad sa property ninyo.