In general po, pwede kayong magreklamo para sa hindi maayos na gawa ng contractor ninyo.
Pwede pong simulan ang proseso sa pagpapadala ng demand letter sa contractor. Mainam tandaan na ilagay sa demand letter ang demand na tapusin ang renovations ayon sa contract, ang kasunduan o kontrata na basehan ng iyong demand, ang pagtakda ng panahon para tumugon sila sayo , at ang paalala na maaari kang gumamit ng iba pang legal remedies para maipaglaban ang iyong karapatan kung hindi siya tumugon sa takdang panahon. Bukod dito, mainam din tandaan na ipadala ang demand letter gamit ang registered mail para makakuha mula sa post office ng proof of service o patunay na ito ay napadala sa iyong sinisingil. Maaari ring ipadala ang sulat gamit ang mga private courier na mayroong system para mapakitang natanggap ng pinadalhan ang sulat.
Maipapayo ring dumulog sa Lupong Tagapamayapa ng barangay kung nasaan ang bahay ng contractor. Kung magkasundo ay ilagay ito sa kasulatan at ipanotaryo. Kung hindi naman, magpaissue ng Certificate to File Action.
May 2 options kayo sa kasong isasampa:
(1) Specific performance with damages- hihilingin sa korte na utusan ang contractor na sumunod sa usapan sa kontrata at magbayad ng danyos para sa perwisyong ginawa
(2) Breach of contract with damages- hihingi ng danyos para sa ginawang perwisyo sa inyo kasama ang cost ng pagpaparenovate na hindi pa nila natapos at dagdag dito ang para sa perwisyong ginawa sa inyo