Kung ayon sa kasunduan ay dapat turned-over na ang unit sa inyo, maaaring saklaw ito ng PD 957. Ayon sa Section 23, Non-Forfeiture of Payments. No installment payment made by a buyer in a subdivision or condominium project for the lot or unit he contracted to buy shall be forfeited in favor of the owner or developer when the buyer, after due notice to the owner or developer, desists from further payment due to the failure of the owner or developer to develop the subdivision or condominium project according to the approved plans and within the time limit for complying with the same. Such buyer may, at his option, be reimbursed the total amount paid including amortization interests but excluding delinquency interests, with interest thereon at the legal rate.
Ayon sa nabanggit na batas, pwede kayong humingi ng reimbursement na lamang para sa failure ng developer na tapusin ang unit na dapat ninyong bibilhin. Nagkaroon na rin ng mga desisyon ang Supreme Court na nagsasabing pwede nga itong gawin sa ilalim ng nabanggit na batas.
Kung applicable nga ang batas, maipapayong padalhan ng demand letter ang developer para ireimburse ang inyong mga binayad. Mainam tandaan na ilagay sa demand letter ang halaga na sinisingil, ang kasunduan o kontrata na basehan ng iyong pagsingil at ang karapatan ayon sa PD 957, ang pagtakda ng panahon para bayaran ka, at ang paalala na maaari kang gumamit ng iba pang legal remedies para maipaglaban ang iyong karapatan kung hindi siya magbayad sa takdang panahon. Bukod dito, mainam din tandaan na ipadala ang demand letter gamit ang registered mail para makakuha mula sa post office ng proof of service o patunay na ito ay napadala sa iyong sinisingil. Maaari ring ipadala ang sulat gamit ang mga private courier na mayroong system para mapakitang natanggap ng pinadalhan ang sulat.
Kung hindi naman sila tumugon ay saka magsampa ng reklamo sa Dept of Human Settlement and Urban Development (dating HLURB) para mareimburse ayon sa batas na nabanggit.
Landline: 8424 40 70
Email: info@dhsud.gov.ph
Pwede rin naman kayong magsampa ng hiwalay na criminal case sa korte para sa violation ng PD 957. May karampatang parusang kulong na hindi lalagpas sa 10 years and/or multa na hindi lalagpas sa P20K naman ito.