Ayon sa National Privacy Commission Advisory No. 2020-04 o ang Guidelines on the Use of Closed-Circuit Television (CCTV) Systems, ang paglagay ng CCTV na nakaharap papalabas ng private property kung saan nakukuhanan ang mga bagay o tao na nasa labas ng sakop ng private property ay kailangan sundin ang mga patakaran sa guidelines at mga obligasyon sa ilalim ng Data Privacy Act.
Ayon sa guidelines, ang may-ari ng CCTV ay mayroong obligasyon na maglagay ng CCTV notice na malinaw at agad na mapapansin. Kailangan nakasaad sa notice sa malinaw, simple, at maikling salita na mayroong CCTV in operation sa area.
Bukod dito, ang location at angles ng CCTV ay dapat maigi na pinag-iisipan na hindi makaka-apekto sa data privacy rights ng ibang tao. Ang CCTV ay dapat gamitin lamang sa pag-monitor ng mga intended spaces na naaayon sa layunin ng may-ari. Halimbawa, kung layunin ng may-ari na maglagay ng CCTV para makita ang lumalabas at pumapasok ng kanyang apartment unit, maaaring sabihin na ang view ng CCTV na kanyang kinuha ay dapat limitado lang dito o ito ay dapat ilagay sa paraang hindi sakop ang pintuan ng ibang unit.
Makikita ang guidelines sa link na ito: https://www.privacy.gov.ph/wp-content/uploads/2020/11/Advisory-on-CCTV-16NOV2020-FINAL.pdf.
Maaaring ipaalala sa may-ari ng CCTV ang kanyang mga obligasyon na nabanggit ayon sa guidelines at ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Data Privacy Act. Mainam makipagkasunduan para makahanap ng mapayapang solusyon na tanggap ng lahat ng partidong kinauukulan.
Kung hindi kayo magkaroon ng kasunduan, maaaring isangguni ang iyong complaint sa National Privacy Commission (NPC) sa numerong 8234-2228 (gamitin ang Local 114), o ipadala ang iyong salaysay sa complaints@privacy.gov.ph.
Kung mapatunayan na may paglabag sa nabanggit, pwede itong masaklaw ng violation ng Data Privacy Act na may karampatang parusang kulong and/or multa.
Pwede rin itong masaklaw ng krimen ng Unjust Vexation. Ayon sa Supreme Court, ang Unjust Vexation ay krimen na malawak ang saklaw kung saan napapaloob dito ang anumang gawain ng taong nagdadala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa kaisipan ng taong pinatutunguhan ng nasabing gawain. Mayroon din itong karampatang parusang kulong o/at multa.
Ang elements naman nito ay:
(1) Mayroong human conduct ang offender na unjustly annoys or irritates ang biktima;
(2) Ang human conduct na ito ay ginawa ng offender nang walang violence;
(3) Ang human conduct na ito ng offender ay nagdala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa biktima;
(4) Ang paggawa nito ng offender ay ginawa nang may criminal intent o sinadyang gawin para sa purpose na nabanggit;