Maipapayong dalhin muna ang issue na ito sa Lupong Tagapamayapa ng barangay na may sakop sa lupa ninyo. Kung magkasundo tungkol sa kung sino talaga ang may-ari ng lupa, maipapayong ilagay ito sa kasulatan at ipanotaryo. Kung hindi magkasundo, magpaissue kayo ng Certificate to File Action.
Pwede kayong magsampa ng Petition for Quieting of Title kung saan hihilingin ninyo sa korte na tawagin ang nagsasabing siya ang may-ari at obligahin kayo pareho na magpresenta ng ebidensiya ninyo para patunayan kung sinong may-ari ng lupa. Matapos ang mga hearings ay idedeclare ng korte kung sino talaga ang tunay na may karapatan sa lupa. Pwede rin kayo humingi ng danyos para sa perwisyong ginawa nila sa pagclaim sa lupa ninyo.