Nasasaad sa Maceda Law na kung kayo ay nakapagbayad na ng at least two years of installments at ang kontrata ay ma-cancel, obligado ang seller na i-refund sa inyo ang cash surrender value o 50% ng lahat ng payments ninyo. Kung lagpas naman na sa 5 years ang intallments na nabayaran ninyo, may additional na 5% per year pero hindi hihigit pa ng 90% ng total payments ang maaring irefund sa inyo. Kasama sa maaaring maibalik sa inyo ang downpayment ninyo sa bahay.
Sa kabilang banda, kung hindi hihigit sa 2 years of installments ang nabayaran ninyo, bibigyan kayo ng seller ng grace period na not less than sixty days from the date the installment became due. Kung hindi ninyo mabayaran ang installments due sa expiration ng grace period, may karapatang i-cancel ng seller ang contract after 30 days from receipt ninyo ng notice of cancellation or demand for recission of contract by notarial act. Wala pong refund sa ganitong kaso.