In general po, bilang buyer na fully-paid na, responsibilidad ng seller na irelease sa inyo, at the minimum, ang Owner’s copy ng titulo na nakapangalan pa sa seller at ang Deed of Absolute Sale.
Pwede pong simulan ang proseso sa pagpapadala ng demand letter sa seller. Mainam tandaan na ilagay sa demand letter ang demand na irelease sa inyo ang titulo at mag-execute ng Deed of Absolute Sale, ang kasunduan o kontrata na basehan ng iyong demand, ang pagtakda ng panahon para tumugon sila sayo, at ang paalala na maaari kang gumamit ng iba pang legal remedies para maipaglaban ang iyong karapatan kung hindi siya tumugon sa takdang panahon. Bukod dito, mainam din tandaan na ipadala ang demand letter gamit ang registered mail para makakuha mula sa post office ng proof of service o patunay na ito ay napadala sa iyong sinisingil. Maaari ring ipadala ang sulat gamit ang mga private courier na mayroong system para mapakitang natanggap ng pinadalhan ang sulat.
Maipapayo ring dumulog sa Lupong Tagapamayapa ng barangay kung nasaan ang bahay ng seller. Kung magkasundo ay ilagay ito sa kasulatan at ipanotaryo. Kung hindi naman, magpaissue ng Certificate to File Action
Matapos magpadala ng demand letter at sumangguni sa Lupon ay saka magsasampa ng civil case for specific performance with damages kung saan hihilingin sa korte na utusan siyang tumugon at mag-issue ng titulo at mag-execute ng Deed of Absolute Sale at magbayad ng danyos para sa perwisyong nagawa sa inyo.
Naaayon kasi ito sa sinasabi ng Civil Code: Article 1357. If the law requires a document or other special form, as in the acts and contracts enumerated in the following article, the contracting parties may compel each other to observe that form, once the contract has been perfected. This right may be exercised simultaneously with the action upon the contract.
Ayon rin sa Civil Code, ang bentahan ng lupa ay dapat in writing at notaryado. Kaya pwedeng icompel ng buyer ang seller na mag-execute nito.