Ikinalulungkot naming sabihin na hindi pwedeng magbenta ng isang lupa ang hindi naman may-ari nito. Sa madaling sabi, niloko lamang kayo at wala kayong karapatan sa lupa dahil ang pwede lamang magbenta nito ay ang nakapangalan sa titulo.
Ang inyong pwedeng gawin ay magsampa ng kasong estafa laban sa nagbenta sa inyo. Ang elements ng krimen na ito ay:
(1) Dapat ay may false pretense, or fraudulent act or means na ginawa ang offender;
(2) Ang nasabing false pretense, or fraudulent act or means na ginawa ang offender ay dapat ginawa bago or habang ginagawa ang panloloko sa biktima;
(3) Umasa ang biktima sa false pretense, or fraudulent act or means na ginawa ang offender, ibig sabihin, nakumbinsi siyang ibigay ang pera or property or service niya dahil dito; at
(4) Dahil sa nangyari, nagkaroon ng pinsala sa biktima.
Mayroon itong karampatang parusang kulong and/or multa.
Bukod dito, pwede rin kayong magsampa ng civil case for damages para hilingin sa korte na pagbayarin ang nanloko sa inyo ng perang binayad ninyo at additional na danyos para sa pinsala at perwisyong ginawa sa inyo.