Karaniwan, ang namamahala sa mga scholarships ay isang kontrata sa pagitan ng estudyante (o magulang nito) at ng paaralan. Dito nakasaad ang: (i) halagang sakop; (ii) kondisyon para maging karapat-dapat makatanggap (halimbawa, ang kinakailangang GPA na panatiliin ng estudeynte); at (iii) ang mga pinahihintulutang rason para baguhin o kanselahin ang kontrata para sa scholarship.
Kung ipagpapalagay na walang karapatan ang paaralang bawiin ang scholarship base sa kasunduan, maaaring sabihing may karapatan ang estudyante na turing ito bialng paglabag ng kontrata at hingin mula sa paaralan ang pagsunod dito. Kung hindi naman tumugon ang paaralan ay pwedeng magsampa ng civil case para maningil ng danyos ang estudyante dahil sa damage na natamo niya sa biglaang pagpapalit ng mga rules ng paaralan ukol sa scholarship.