In general po, pinapaalala namin na illegal na ipangalan ang isang bata sa apelyido ng ibang tao maliban sa kanyang mga tunay na magulang na walang adoption papers. Ito ay tinatawag na simulation of birth o “tampering of the civil registry making it appear in the birth records that a certain child was born to a person who is not his/her biological mother, causing such child to lose his/her true identity and status”. Ito ay isang offense sa ating Revised Penal Code na may parusang pagkakakulong na six years and one day to twelve years at multang hindi lalagpas sa P200,000.00.
Para macorrect ito, ayon sa Article 412 ng Civil Code “No entry in a civil register shall be changed or corrected, without a judicial order.” Ayon din sa Article 376 ng Civil Code “No person can change his name or surname without judicial authority.” Ibig pong sabihin nito, ang anumang pagbabago sa mga entries sa civil register ay kailangang magkaroon muna ng judicial order or utos mula sa korte bago ito mabago.
Sa ganang ito, kailangan magsampa ng Petition for Correction of Entries under Rule 108 ng Rules of Court. Kailangan ito isampa sa Regional Trial Court ng lugar kung saan nakaregister ang birth certificate. Matapos lamang ng mga hearings at mapatunayan na talagang mali ang entry ay saka babaguhin ang birth certificate.