Ang oras ng pagbayad ng pasahod ay nasasaad sa Article 103 ng Labor Code of the Philippines, kung saan nakasaad na ang pagbayad ng sweldo ay dapat gawin ng hindi bababa sa isang beses tuwing dalawang (2) linggo (at least once every two weeks) o dalawang beses sa isang buwan (twice a month) na may pagitang hindi lalampas sa 16 na araw (at intervals not exceeding 16 days).
Maaari pong magpasweldo ang kumpanya ng ika-15 ng buwan at ang susunod ay sa ika-31 na ng buwan dahil ito ay sumusunod pa rin sa nasabing Article 103 ng Labor Code na hindi lalagpas sa agwat na 16 na araw. Pwede rin pong tuwing ika-5 at ika-20 ng buwan ang pasahod dahil pasok pa rin ito sa limit na 16 days.
Kung may paglabag sa mga itinakdang panahon ng DOLE, maaring sumangguni sa 24/7 Hotline ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa numerong 1349. Maaari ring ma-contact ang mga lokal na DOLE office sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.