Sa batas ukol sa bentahan ng lupa, isa sa mga obligasyon ng seller ay ideliver ang lupa ng naaayon sa napagkasunduan, at kasama rito ang ukol sa area ng lupa. Ayon sa Civil Code, kung sa napagkasunduan ay kasama at nabanggit ang area ng lupa, at kung magkataon na hindi na ma-deliver sa buyer nang buo ang nasabing area ng lupa, maaaring mamili ang buyer kung gusto niyang kanselahin ang kontrata o di kaya ay humingi ng bawas sa presyo ng lupa in proportion sa area na nabawas sa napagusapan.
Gayunpaman, maaaring pag-usapan ito ng buyer at seller kung mayroon silang ibang naiisip na kasunduan para masolusyunan ang hindi pagkakatugma ng sukat. Kung sakaling magkasundo, maipapayong ilagay ito sa kasulatan at ipanotaryo.
Kung hindi magkasundo, pwedeng magsampa ng civil case ang buyer para idemand ang nabanggit namin na option na napili niya sa ilalim ng Civil Code.