Ang kasunduan sa barangay ay mayroong epekto ng final judgment ng isang korte kung hindi ito itinakwil ng mga partido within 10 days mula sa pirmahan ng kasunduan. Sa ganoong sitwasyon, ang kasunduan ay maaaring ipatupad ng lupon within 6 months mula sa araw ng kasunduan. Paglagpas ng 6 months, ang kasunduan ay maaaring ipatupad sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso sa korte.
Tungkol sa inyong sitwasyon, kung wala pang 6 months mula sa araw ng kasunduan, maaaring dumulog sa Lupong Tagapamayapa ng inyong barangay para ipatupad ang kasunduan na hindi manggagambala ang iyong tito. Kung lumagpas na ng 6 months, we suggest na kumuha o mag-retain kayo ng abogado para maipatupad ang kasunduan. Pwede kayong lumapit sa sa Integrated Bar of the Philippines. Ang lokal na chapters sa inyong lokasyon ay maaaring makita sa link na ito: