Kadalasan sa sitwasyong magkaroon ng “hit” sa pag-aapply ng NBI Clearance, kailangan maghintay ng ilang araw bago i-release ang clearance. Kung ito ay hindi nangyari, kinakailangang pumunta sa head office ng NBI para sumailalim sa interview para mapatunayang hindi ikaw ang nasa kaso at magsubmit ng Affidavit of Denial.
Kung matapos ang mga nabanggit ay hindi pa rin marelease ang NBI clearance, iminumungkahi rin pong tumawag sa NBI Clearance Inquiries hotline para idulog ang sitwasyon ng father mo sa: 8523.82.31 to 38 Local 5523, 5430 & 5509.
Kung ang tagal ng proseso ang problema, maaari pong dumulog sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa complaints@arta.gov.ph.