Ang pwede pong gawin ay i-redeem or tubusin ang property within one year after maregister ng auction sale sa nakabili kung ang nangyari ay extrajudicial foreclosure, at 90 days naman or bago maconfirm ang auction sale kung halimbawang judicial foreclosure ang nangyari (dumaan sa korte). Kapag lumagpas na sa mga period na nabanggit, hindi na pwedeng iredeem ang property at tuluyan nang mapupunta sa highest bidder.
Sa pagtubos or pagredeem, sa extrajudicial foreclosure ay kailangan bayaran ang purchase price paid by the buyer and any assessments or taxes that the buyer may have paid on the property after the purchase, with interest of one percent per month; kung sa judicial foreclosure naman ay dapat bayaran ang amount due under the mortgage deed, with interest at the rate specified in the mortgage, and all the costs and expenses incurred less income derived.