Ipagpapalagay namin na ang titulong binanggit ay tumutukoy sa “Owner’s Copy” ng titulo ng lupa.
Kailangan ninyong magfile ng Affidavit of Loss sa Registry of Deeds kung saan nakarehistro ang titulo upang maannotate ang pagkawala nito at maprotektahan ang inyong karapatan laban sa pagpapatransfer ng titulo ng lupang ito. Kailangan din ito sa pagfile ng petition for issuance of new owner’s copy upang mag-issue ang Registry of Deeds ng panibagong owner’s copy ng title. Maipapayong kumonsulta sa Registry of Deeds kung saan nakarehistro ang titulo para malaman kung magkano ang fees nila sa pag annotate ng nasabing affidavit of loss.
Para naman sa petition for issuance of new owner’s copy, kailangan ninyo ng abogado para rito. Magkakaroon ng hearings upang madesisyunan ng korte kung dapat kayong bigyan ng bagong titulo. Kung nawala lang talaga ang titulo, in general, papayag naman ang korte na mag-issue ng bago basta mapatunayan ninyo na nasa inyo ang titulo bago ito mawala at ito ay nawala ninyo. Tungkol sa fees tungkol dito, in general, ito ay depende sa value ng lupa sa time na magsampa kayo ng kaso. Maipapayo pong kumonsulta naman sa Clerk of Court ng Regional Trial Court na may sakop sa lupang inyong nabili.