Nakasaad sa ating Civil Code na ang tagapagmana ng yumao ay ang kanyang legal spouse at mga anak (legitimate at illegitimate) at mga apo na papalit sa yumaong anak. Kung walang asawa at anak, ang kanyang mga magulang; kung wala na rin ang magulang, ayon sa Article 1003 ng Civil Code, ang kanyang mga kapatid at pamangkin na papalit sa mga kapatid na yumao sa pagmana.
Pagdating naman sa mamanahin ng bawat isa, nakadepende ito kung sinu-sino ang nabubuhay at kung ilan sila.
Kung magkakasundo ang lahat ng tagapagmana, pwede silang mag-execute ng extrajudicial settlement of estate ng yumao kung: (1) walang will ang yumao; (2) wala siyang utang; at (3) lahat ng mga tagapagmana ay kasali sa nasabing dokumento. Mayroon pong karampatang estate taxes para dito na (6%) based on the value of such NET ESTATE determined as of the time of death of decedent composed of all properties, real or personal, tangible or intangible less allowable deductions.
Dito nakasaad ang pangalan ng lahat ng tagapagmana at ang kani-kanilang parte sa mana. Kailangan itong iparegister sa Registry of Deeds at kailangan din pong magbayad ng bond para dito. Kalaunan ay kailangan din ipublish ang nasabing Extrajudicial Settlement once a week sa susunod na 3 weeks.
Kung hindi naman magkasundo, kahit sinong tagapagmana ay pwedeng magsampa ng civil case for Partition para hilingin sa korte na hatiin ang properties ng yumao. Kung hindi practical na hatiin ang property, maaaring iutos ng korte na ibenta ang property at ang pinagbentahan ang paghahatian ng mga tagapagmana.