To a certain extent, pwedeng i-kontrol ang pagbabahagi ng maiiwang mana through a “Will” o tinatawag ring “Last Will and Testament.”
Basta of legal age and sound mind, pwedeng gumawa nito.
PERO- dapat mag-comply sa form na required ng batas. Kailangang ito ay:
- a) In writing at isinulat sa wikang alam ng gagawa;
- b) Pirmado sa bawat pahina at sa dulo;
- c) Pinatotohanan at pinirmahan ng at least three credible witnesses sa harap ng isa’t isa (na nakasaad ang number of pages at pinirmahan nila lahat ito sa ganitong paaan); at
- d) Pinanotaryo ito ng gagawa at ng witnesses sa isang Notary Public.
Kailangan mag-comply sa formal requirements para magka-bisa ang huling habilin.
Bukod dito, kailangan rin itong ipa-probate o i-presenta at patunayan) sa korte.
Ang ganitong will ay tinatawag na notarial will.
Puwede ring gumawa ang isang tao ng “holographic will” na ang kabuuan ay sulat-kamay, dated, at signed ng testator.
Pero sa pag-probate ng holographic will, kailangan ng testigong pamilyar sa handwriting at pirma ng gumawa. Kung may question kung totoo ba ito, kailangan ng tatlong testigong magpapatunay sa handwriting at pirma ng gumawa.
Kaya importanteng sundin ang requirements ng batas. Kung hindi – baka i-disallow ito ng korte at hindi mabigyang-bisa ang nasa kasulatan.