May karapatan ang sinuman na kontrolin, to an extent, ang pagbabahagi ng maiiwan niyang ari-arian sa mga tagapagmana.
Magagawa ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang last will and testament (o tinatawag na simpleng “will”).
Basta of legal age (edad 18 pataas), at of sound mind, maaaring gumawa ang isang tao ng will.
Pero, para magkaroon ng bisa ang kanyang will, dapat itong mag-comply sa formal requirements ng batas.
Ibig sabihin, dapat sumunod sa tamang anyo ang kasulatang gagawin ng testator (ito ang tawag sa taong gagawa ng will).
Bukod d’yan, para magka-epekto, ang will ay dapat ipa-probate (o i-presenta at patunayan) sa korte.
Ngayon, anong anyo ba dapat ang will? Ang formal requirements ay ang sumusunod.
Dapat ito ay:
- a) In writing and executed in a language or dialect known to the testator;
- b) Signed at every page and at the end by the testator;
- c) Attested and subscribed by three or more credible witnesses in the presence of the testator and of one another (the attestation shall state the number of pages, and the fact that the testator signed the will and every page); and
- d) Acknowledged before a notary public and the witnesses.
Ibig sabihin- dapat pirmado ng inyong lolo at ng tatlong witnesses ang bawat pahina ng will.
Dapat may pirmadong attestation ang witnesses, kung saan nakasulat kung ilang pahina ang will, at ang katotohanan na pinirmahan ng testator ang bawat pahina nito.
Huli, dapat personal itong ipa-notaryo ng testator at ng tatlong witnesses.
Ang ganitong will ay tinatawag na notarial will.
Puwede ring gumawa ang isang tao ng “holographic will,” na ang kabuuan ay sulat-kamay, dated, at signed ng testator. Pero, maaaring mas mahirap patunayan ito.
Sa pag-probate ng isang holographic will, kailangan ng testigo na alam ang handwriting at pirma ng testator. Kung may kumwestyon kung totoo ba ang will, kailangan ng tatlong testigong magpapatunay sa handwriting at pirma ng testator.
Sa paggawa ng will, napaka-importanteng tuparin ang requirements ng batas.
Kung hindi sundin ito, pwedeng kwestyunin ito at i-disallow o ‘di payagan ng korte, at hindi mabigyang-bisa at epekto ang kagustuhang sa kasulatan.