Responsibilidad ng School at Teachers Na Gawing Safe ang Estudyante!
Ayon sa batas- may mas mataas na degree of care, caution at foresight na ang nararapat para sa school at teachers, in relation to the students in their care.
Sa Article 218 ng Family Code- responsable silang pangalagaan ang mga batang estudyante habang nasa paaralan ga ito. Tinatawag itong “special parental authority”:
“The school, its administrators and teachers, or the individual, entity or institution engaged in child care shall have special parental authority and responsibility over the minor child while under their supervision, instruction or custody.
Authority and responsibility shall apply to all authorized activities whether inside or outside the premises of the school, entity or institution.”
Sa Article. 2180 ng Civil Code, nakasaad na pwedeng singilin ng danyos ang mga taong negligent at naging sanhi ng pinsala, kasama ang teachers in relation to their students.
“Lastly, teachers or heads of establishments of arts and trades shall be liable for damages caused by their pupils and students or apprentices, so long as they remain in their custody.”
Kung malinaw na ang teacher ay nagkulang sa safety precautions sa experiment, at ito ang naging dahilan ng injury- pwede itong kasuhan singilin ng danyos.
Para sa school naman- pwede rin itong panagutin sa pangyayari- kung maipapakita na nagkulang ito sa proper measures in the selection of its teachers o sa pag-conduct ng appropriate supervision sa kanila.
Malaki ang tiwalang binibigay ng lahat ng magulang sa school at teachers kung saan pinapag-aral at pinapa-alaga ang kanilang mga anak, at dapat gampanan ng maayos ang napaka-importanteng respoinsibilidad na ito.