Malinaw ang batas- obligasyon ng amang magbigay ng sapat na sustento o support sa anak, legitimate man o hindi.
Ayon sa Family Code, kasama dito ang lahat ng kailangang gastusin sa:
- Pagkain
- Tirahan
- Damit
- Gamot
- Edukasyon
- Transportasyon
“Art. 194. Support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.
The education of the person entitled to be supported referred to in the preceding paragraph shall include his schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work.”
Article 194 ng Family Code
Pero, ang angkop na halaga ng sustento- nakadepende sa bawat sitwasyon.
Ayon sa batas, binabalanse ito base sa kakayahang magbigay ng ama, at sa pangangailangan ng anak – at maaaring mag-iba iba, depende sa pagbabago dito .
Base d’yan, pwede niyong hingan ng sustento ang ama- at magkasundo na magbigay ng fixed allowance (halimbawa, buwan-buwan).
Kung tumanggi, pwedeng magsampa ng kaso for support sa Family Court kung saan kayo o siya ay nakatira.
Bukod d’yan- kung talagang nananadya ang tatay- pwede itong ituring na economic abuse na may kasong kriminal at parusa sa Anti-VAWC Act .