Ayon sa Family Code, nakadepende sa means ng magbibigay ng suporta at sa pangangailangan o needs ng susuportahan ang amount ng support. Wala itong fixed amount at maaaring subject sa kasunduan or pwede ring iset ng korte kung magsampa ng kaso.
Ayon din sa parehong batas, support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family. Kasama naman sa education na nabanggit ang pag-aaral ng anak kahit lagpas na sa age of majority na 18 years old.
Gayunpaman, pwede naman pong magkasundo tungkol sa amount ng support ang mga magulang ng bata.