Bawal ang hindi regular na pagbibigay ng sahod.
Malinaw na nakasaad sa Article 103 ng ating Labor Code:
“Time of Payment.— Wages shall be paid at least once every two (2) weeks or twice a month at intervals not exceeding sixteen (16) days.”
Article 103 of the Labor Code
Ibig sabihin, dapat regular ang pagbigay ang sahod- at least once every 2 weeks, o kung lumampas man, ‘di dapat higit sa labing-anim na araw.
Kung may mamiss man na sweldo- dahil sa pangyayaring labas sa control ng employer, halimbawa, may aksidente- dapat agad-agad pa ring ibigay ang sweldo pagkatapos nito.
Kung makiusap ang boss ninyo na ‘di regular sweldo- sabihing mahirap ito para sa inyo at ang obligasyong bayaran ang empleyado sa tamang panahon.- minamandato ng Labor Code.
Kung tumanggi pa rin ito, pwede kayong dumulog sa Department of Labor and Employment o DOLE Hotline 1349, o sa DOLE Regional Offices na matatagpuan sa link na ito: https://ble.dole.gov.ph/dole-regional-offices/.