Ayon sa CARP Law, kung pipiliin ng may-ari ng lupa na iretain ang lupang sinasaka ng inyong papa, binibigyan ang tenant na pumili kung gusto niyang magremain doon o di kaya naman ay maging beneficiary sa pareho or sa ibang agricultural na lupa na may similar or comparable features. Kung piliin ng inyong papa na manatili sa lupa kung saan siya tenant, mawawalan siya ng karapatang maging beneficiary under CARP Law. Kung piliin naman niya maging beneficiary, mawawala na ang kanyang karapatan bilang tenant sa lupang kanyang kasalukuyang sinasaka. Kailangang makapili sa dalawang option ang iyong papa within 1 year mula sa deklarasyon ng may-ari ng lupa na ang lupang sinasaka ang ireretain ng may-ari.
Kung piliin ng tenant ang maging beneficiary, ang titulo na makuluha ninyo mula sa ganitong arrangement ay ang tinatawag na Certificate of Land Ownership (CLOA). Ang CLOA ay dokumentong nagpapatunay ng pagmamay-ari ng lupang pang-agrikulturang i-ginantimpala ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa benepisyaryo ng mga magsasaka.
Ayon sa CARP Law, ang mga kwalipikado na makakuha ng CLOA ay ang mga sumusunod:
(a) agricultural lessees and share tenants;
(b) regular farmworkers;
(c) seasonal farmworkers;
(d) other farmworkers;
(e) actual tillers or occupants of public lands;
(f) collectives or cooperatives of the above beneficiaries; and
(g) others directly working on the land.
Kung kayo ay nakapaloob sa isa sa mga nabanggit sa taas, kayo ay qualified na mabigyan ng CLOA.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong sumangguni sa Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) sa inyong lokasyon. Iminumungkahi ring sumangguni sa inyong DAR Regional Office para sa mas detalyadong gabay sa inyong sitwasyon. Makikita ang mga angkop na numero sa sumusunod na link: https://www.dar.gov.ph/directory/offices/region-i.