Ang cyberlibel ay pinaparusahan ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act, particular sa Section 4 (c) (4):
Section 4. Cybercrime Offenses. — The following acts constitute the offense of cybercrime punishable under this Act:
xxx
(c) Content-related Offenses:
xxx
(4) Libel. — The unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future.
Ayon sa Article 355 ng Revised Penal Code:
Article 355. Libel means by writings or similar means. – A libel committed by means of writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition, cinematographic exhibition, or any similar means, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from 200 to 6,000 pesos, or both, in addition to the civil action which may be brought by the offended party.
Sa madaling sabi, ang cyber libel ay ang paninirang-puri sa pamamagitan ng paggamit ng computer systems o mga katulad na sitwasyon.
Para masabing nagkaroon ng cyberlibel, kailangan munang tignan ang elements ng krimen ng libel sa ilalim ng Revised Penal Code. Ayon naman sa ating Revised Penal Code, sa pangkalahatan, ang krimen ng libel ay ang paglathala sa publiko ng mga nasusulat o written na sadyang malisyosong imputasyon o pahayag na nakakapanira ng puri.
Ang mga elemento ng krimen na ito ay:
(i) ang mensahe ay dapat nakapaninirang-puri;
(ii) ang motibo sa paglabas ng mensahe ay malisyoso;
(iii) ang pagbitaw ng mensaheng nakasulat ay publikong inilathala;
(iv) ang biktima ay pinangalanan o halatang pinatutunguhan.
Para maging cyber libel ang krimen, kinakailangan na ang paglathala ay ginamitan ng computer systems o ibang katulad na paraan. Pwede itong ginawa sa pamamagitan ng pagpost ng sulat, video, o larawan sa social media na nakakapanirang puri. Pwede rin itong gawin sa pamamagitan ng pagpapadala ng text o chat messages sa maraming tao na para na rin inilathala ang malisyosong mensahe. Pwede rin itong gawin sa pamamagitan ng pagcontact ng mga online sites para sila ang magpost tungkol sa malisyosong impormasyon.
Mainam din pong tandaan na ang parusa para sa cyber libel ay higit mas mataas kumpara sa parusa sa libel sa ilalim ng Revised Penal Code.