Ang elements ng rape ay:
(1) Nagkaroon ng carnal knowledge (nakipagtalik) ang offender sa biktima;
(2) Ang pakikipagtalik ay nagawa ng offender nang:
(a) May force or intimidation;
(b) Sa pamamagitan ng fraudulent machination or grave abuse of authority;
(c) Kung ang biktima ay deprived of reason or unconscious; or
(d) Kung ang biktima ay below 16 years of age.
Itinuturing din pong rape ang sexual assault o ang pagpasok ng ari ng lalaki sa bibig or anal orifice ng ibang tao, o di kaya ay pagpasok ng instrument or object sa ari o sa anal orifice ng ibang tao.
Para naman sa acts of lasciviousness:
(i) ang akusado ay gumawa ng akto ng panghahalay o pambabastos (halimbawa, panghihipo);
(ii) ito ay nagawa na mayroon ang alinman sa sumusunod:
(a) May force or intimidation;
(b) Sa pamamagitan ng fraudulent machination or grave abuse of authority;
(c) Kung ang biktima ay deprived of reason or unconscious; or
(d) Kung ang biktima ay below 12 years of age.
(iii) ang biktima ay anumang kasarian.
Magadang Hapon po, Ako po ang complainant nagsampa po ako ng kaso ng Acts of Lasciviousness sa dati kong kaibigan dahil sa mga nagawa nyang pang aabuso mayroon po akong witness nagkaharap na rin po kami isang beses sa hearing at pinagagawa po sya ng counter affidavit, ngayon hiniling po ng fiscal na magpa advice po kami sa Lawyer, pwede po ba namin malaman kung ano po ang pwede naming gawin o ano ang pwede namin maging tugon sa susunod na hearing? Maraming salamat po