Ayon sa Kasambahay Law, entitled ang kasambahay sa minimum wage ng kasambahay (kasalukuyang P6,000.00 per month para sa NCR), 13th month pay, government mandated benefits (SSS, Pag-IBIG, Philhealth), service incentive leave na 5 days after 1 year of service, at iba pang benefits.
Ang mga premium payments or contributions ay babayaran ng employer. Gayunpaman, kung ang sweldo ng kasambahay ay five thousand pesos (P5,000.00) o higit pa sa isang buwan, ang kasambahay ay magbibigay ng kanyang proportionate share sa premium payments or contributions ayon sa nasasaad sa batas.
Kung di naman sumunod sa minimum wage and/or sa pagbayad ng 13th month pay, pwedeng ireklamo sa kinauukulan ang employer.
Kung ang money claims ninyo ay lagpas sa P5,000.00, maaaring magsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) tungkol dito. Ang proseso pong ito ay masisimulan sa pamamagitan ng request for assistance para sa Single Entry Approach (SEnA) sa kaukulang regional arbitration branch ng NLRC na may sakop sa lugar ng inyong employer. Kung sakop naman ng NCR ang inyong employer, maaari kayong magfile online ayon sa nakasaad sa sumusunod na link: https://nlrc.dole.gov.ph/Node/view/TlYwMDAxOA.