Ayon sa Labor Code, maaaring mag-request ang isang empleyado na dumaan sa isang libreng health assessment bago i-take up ang assignment bilang night worker. Kung may certification na hindi fit for night work ang isang empleyado dahil sa health reasons, dapat siyang i-transfer sa trabahong angkop sa sitwasyon niya (R.A. 10151).
Ayon rin sa batas, ang empleyadong magtatrabaho sa night shift (10:00 p.m. to 6 a.m.) ay dapat ring makatanggap na dagdag na night shift differential para sa mga oras na nagtrabaho sa panahong ito, katumbas ng 10% ng hourly wage (except kung managerial employee o field personnel).
Kung hindi ito i-comply ng inyong employer, maaaring sumangguni sa 24/7 Hotline ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa numerong 1349. Maaari ring ma-contact ang mga lokal na DOLE office sa sumusunod na link:
http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices