Ang robbery at theft ay parehong pagnanakaw pero may ilang elements na magkaiba sa dalawang krimen.
Ang elements ng theft ay:
(1) pagkuha ng personal property ng offender (kasama ang pera);
(2) ang property ay pag-aari ng biktima;
(3) ginawa ang pagkuha ng may intent to gain;
(4) ang pagkuha ng gamit ay ginawa nang walang pahintulot ng biktima; and
(5) ginawa ang pagkuha nang walang violence or intimidation against persons or force upon things.
Ang elements naman ng robbery ay:
(1) pagkuha ng personal property ng offender (kasama ang pera);
(2) ang property ay pag-aari ng biktima;
(3) ginawa ang pagkuha ng may intent to gain;
(4) ang pagkuha ng gamit ay ginawa nang walang pahintulot ng biktima; and
(5) ginawa ang pagkuha nang may violence or intimidation against persons or force upon things.
Sa madaling sabi, ang kaibahan ng robbery at theft ay pagdating sa huling elemento kung saan ang robbery ay ginawa nang may violence or intimidation against persons or force upon things na kung wala ay theft ang krimen.