Kapag sinabing perjury, maaaring ito ay tumutukoy sa isa sa mga krimen na nasasaad sa Articles 180 hanggang 184 ng Revised Penal Code.
Ang Article 180 ay tumutukoy sa pagbibigay ng false testimony o pagsisinungaling sa testimonya sa korte laban sa mga defendants sa isang criminal case. Ang parusang kulong sa ganitong sitwasyon ay depende sa parusang kulong na naipataw laban sa defendant sa kaso.
Ang Article 181 naman ay tumutukoy sa pagbibigay ng false testimony o pagsisinungaling sa testimonya sa korte na pabor sa akusado. Depende naman sa imposable penalty sa akusado ang parusang kulong para sa nagbigay ng false testimony.
Ang Article 182 naman ay tumutukoy sa civil cases at sinumang magbigay ng false testimony o pagsisinungaling sa testimonya sa korte ay maaaring mapatawan ng parusang kulong.
Sa ilalim ng Article 183 ng Revised Penal Code, pinaparusahan ang krimen ng false testimony in other cases and perjury in solemn affirmation. Sa kasong ito, ang mga kailangang patunayan ay ang sumusunod:
a. That the accused made a statement under oath or executed an affidavit upon a material matter.
b. That the statement or affidavit was made before a competent officer, authorized to receive and administer
oath.
c. That in the statement or affidavit, the accused made a willful and deliberate assertion of a falsehood.
d. That the sworn statement or affidavit containing the falsity is required by law or made for a legal purpose.
Pinaparusahan naman sa Article 184 ang abogadong mag-offer ng mga nabanggit na false testimony sa taas. Ang parusa naman dito ay pareho ng parusang nasasaad sa Articles 180 hanggang 183.