Nakikita siguro natin sa balita ang public personalities na idinedeklarang “Persona Non Grata” sa iba’t ibang local governments sa bansa.
Ano nga ba ito?
Ang “Persona Non Grata” ay isang Latin phrase which means “an unwelcome person”- o isang taong hindi kinasusuyuan.
Ang ganitong deklarasyon ay karaniwang ginagawa ng sanggunian ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng pag-issue ng isang resolution to this effect.
At ang mga resolution ay “merely a declaration of the sentiment or opinion of a lawmaking body on a specific matter.”
Ibig sabihin, paraan lang ito para ipahayag ng lokal na sanggunian ang kanilang opinyon sa isang isyu- at sa sitwasyong ito- na hindi nila gusto ang isang tao.
Opinyon lang.
Hindi ito pwedeng gamiting basehan para pigilan ang movement ng tao- dahil protektado ng 1987 Constitution ang freedom to travel.
Malinaw sa Bill of Rights:
“Section 6. The liberty of abode and of changing the same within the limits prescribed by law shall not be impaired except upon lawful order of the court. Neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law.”
Section 6 of Bill of Rights
Hindi sapat ang opinyon ng lokal na pamahalaan para limitahan ang kalayaan ng isang tao- kahit hindi nila siya gusto.
Ang pagdeklara bilang persona non grata ay symbolic lamang.