Wala pong batas ukol sa pagpapalit ng pirma. Depende ito kung saang dokumento o ID ninyo babaguhin ang inyong pirma. Kung sa mga ID na expired na, maaari pong gamitin na lamang ang bagong pirma. Kung sa mga bank documents naman po, kailangan ninyo pumunta sa bangko para iupdate ang inyong pirma. Para naman sa ibang dokumento, maipapayong sumangguni sa agency o company kung saan nakarehistro ang dokumento o ID para sa impormasyon tungkol sa pagpapalit ng pirma.