Ang Protection Order ay isang remedy na binibigay ng Anti-Violence Against Women and Children Act kung saan uutusan ang offender na huwag lumapit sa bahay o di kaya sa miyembro ng pamilya ng biktima ng karasahan laban sa mga babae at kanilang mga anak.
Maaari kayong mag-apply ng Barangay Protection Order (BPO) sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) Act. Ang sinasabing application ay dapat in writing, pirmado at verified ng applicant. Ayon sa VAWC Act, dapat ay mayroong form nito sa inyong barangay. Maaari pong kasama sa BPO ay ang pag-utos sa offender na hindi lumapit nang specific na distance sa biktima o sa kanyang bahay o anumang lugar na nakasaad sa order or sinumang member ng family. Ito ay pwedeng gawin kahit wala pang kasong nakasampa sa korte.
Kung magsampa naman ng kaso sa korte, maaari ring mag-apply ng temporary protection order (TPO) at kalaunan ay permanent protection order (PPO). Kagaya ng BPO, maaaring kasama sa TPO at PPO ay ang pag-utos sa offender na hindi lumapit nang specific na distance sa biktima o sa kanyang bahay o anumang lugar na nakasaad sa order.