Depende sa sitwasyon, maaaring ituring ang mga ganyang sitwasyon na estafa. Ang estafa by means of deceit o sa pamamagitan ng panlilinlang sa ilalim ng Article 315(2)(a) ng Revised Penal Code ay kadalasang sinasampa laban sa mga scammer. Ang elements nito ay:
(a) that there must be a false pretense or fraudulent representation as to the offender’s power, influence, qualifications, property, credit, agency, business or imaginary transactions;
(b) that such false pretense or fraudulent representation was made or executed prior to or simultaneously with the commission of the fraud;
(c) that the offended party relied on the false pretense, fraudulent act, or fraudulent means and was induced to part with his money or property; and
(d) that, as a result thereof, the offended party suffered damage
Batay sa itaas, maaaring magsampa ng estafa laban sa isang tao kung: (a) siya ay nanlilinlang sa kanyang kapasidad bilang isang potential buyer; (b) ang panlilinlang ay ginawa bago o kasabay ng pagbibigay ng pera ng biktima; (c) nakumbinsi magbigay o maglabas ng pera ang biktima dahil sa panlilinlang nito; at (d) may nawalang pera ang offended party dahil dito.