Ipaliwanag muna natin kung ano nga ba ang tinatawag na “easements.”
Ang easement ay karapatan ng isang tao sa property ng iba. Base sa karapatan sa easement, ang ibang property owner ay puwedeng ipagbawal o piliting gawin ang isang bagay sa kanyang property, para sa sa benefit ng ibang tao.
Sa batas natin ay maraming iba-ibang klase ng easement (halimbawa, patungkol sa pagdaloy ng tubig at shared na pader).
Isa rin dito ang nabanggit na easement of right-of-way.
Nakalagay ito sa ating Civil Code:
“Article 649. The owner, or any person who by virtue of a real right may cultivate or use any immovable, which is surrounded by other immovables pertaining to other persons and without adequate outlet to a public highway, is entitled to demand a right of way through the neighboring estates, after payment of the proper indemnity.
Should this easement be established in such a manner that its use may be continuous for all the needs of the dominant estate, establishing a permanent passage, the indemnity shall consist of the value of the land occupied and the amount of the damage caused to the servient estate.
In case the right of way is limited to the necessary passage for the cultivation of the estate surrounded by others and for the gathering of its crops through the servient estate without a permanent way, the indemnity shall consist in the payment of the damage caused by such encumbrance.
This easement is not compulsory if the isolation of the immovable is due to the proprietor’s own acts.”
Civil Code of the Philippines
Sa ganitong klaseng easement, puwedeng pilitin ang property owner na gawan ng daanan ang kanyang lupa,- kung ito ay pumapaligid sa ibang lupa, in such a way na walang madaanan palabas papunta sa public highway.
Covered nito yung sitwasyong wala talagang choice para makalabas ng isang lupa kundi sa lupa ng iba.
Requirements ng easement of right of way
Base sa batas, mai-dedemand lang ang “easement of right of way” kung maipapakitang meron ang sumusunod:
- Ang isang lupa ay pinapaligiran ng lupaing pag-aari ng iba at walang itong sapat na daanan palabas sa public highway;
- Ang rason kung bakit isolated ang lupang nasa loob ay hindi kasalanan ng owner nito;
- Ang daanang ilalagay sa lupa ng iba ay ilalagay sa lokasyong pinaka-iwas perwisyo at ‘di makaka-sagabal sa may-ari, o yung pinaka-maikling distansya mula sa lupang nasa loob at sa public highway; at
- Ang owner ng lupang nasa loob na nagpapagawa ng daanan sa lupa ng iba ay magbabayad ng proper indemnity (o yung halaga ng perwisyo sa may-ari ng lupang gagawan sa daanan).
Kung permanent na daanan ang kailangan, dapat bayaran ang halaga ng lupang kukunin at danyos-perwisyo sa may-ari.