Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) and Department of Labor and Employment (DOLE) Joint Memorandum Circular No. 20-04-A Series of 2020 (Guidelines on Workplace Prevention and Control of Covid-19), maaaring makakuha ng benefits mula sa Employees’ Compensation Commission (ECC), PhilHealth, at SSS.
Base naman sa ECC Board Resolution No. 21-04-14 on April 6, 2021, ang Covid-19 ay kasali na ngayon sa listahan ng occupational diseases at work-related illnesses na maaaring maging compensable pero dapat ay suportado ang pagka-diagnose ng diagnostic proof kagaya ng RT-PCR test o mas kilala bilang swab test. Bukod dito, dapat din ay mayroon ang mga sumusunod na circumstances:
(1) Dapat ay may direktang koneksiyon sa pagitan ng offending agent (pangyayari) at ng worker (employee) na base sa epidemiologic criteria at occupational risk (i.e., healthcare workers, screening and contact tracing teams, etc.)
(2) Ang mga task o gawain ng worker ay kakailanganin niyang magkaroon ng madalas na face-to-face at close proximity na interactions sa publiko or sa mga kumpirmadong kaso para sa healthcare workers
(3) Ang pagkahawa ay nangyari sa mismong lugar ng trabaho (workplace)
(4) Ang pagkahawa ay nangyari habang nagko-commute papunta at mula sa trabaho
Kung ang mga nabanggit na requirements ay present sa sitwasyon, ang death benefits ay pwedeng maclaim ng pamilya ng namatay na miyembro ng SSS or GSIS. Para sa application ng death benefits, pwede kayong tumawag sa ECC sa (02) 8896-7837 or mag-email sa info@ecc.gov.ph.