Ang physical injuries na nasustain through wounding, beating, assaulting, or administering injurious substance ay punishable sa Articles 263-266 ng Revised Penal Code. Kung ang physical injuries na sinapit ay nagresulta sa pagkaka-incapacitate ng iyong biktima for labor (ibig sabihin hindi nakapagtrabaho) from 1-9 days, o ang kanyang mga sugat ay nagrequire ng medical attendance for the same period, o di kaya ay hindi naman siya napigilan mula sa pagtrabaho, maaaring magsampa ng kaso for slight physical injuries.
Kung halimbawang na-incapacitate naman ang biktima at di makapagtrabaho ng 10 days o higit pa, o kakailanganin niya ng medical assistance ng parehong period, ang krimen ay less serious physical injuries.
Kung lalagpas naman sa 30 days na hindi makapagtrabaho ang biktima o permanenteng di na makapagtrabaho, o di kaya ay nagkaroon ng deformity, or mawalan o hindi na magamit ang isang parte ng kanyang katawan, o hindi na makapagsalita, makadinig, or maka-amoy, o di kaya naman ay maging insane, imbecile, or impotent, o bulag, ang krimen ay serious physical injuries.
Ang sinumang mahatulan ng alinman sa mga nabanggit ay maaaring maparusahan ng pagkakakulong o pagbayad ng multa.
Sa pagsampa ng kasong ito, maaaring magfile ng petition for issuance of writ of preliminary injunction with temporary restraining order. Ang preliminary injunction ay isang order granted at any stage of an action or proceeding prior to the judgment or final order, requiring a person to perform to refrain from performing a particular act or acts.