Sa R.A. 10175 o Cybercrime Prevention Act , pinaparusahan ang Computer-related Identity Theft. Ito ay ang “Intentional acquisition, use, misuse, transfer, possession, alteration or deletion of identifying information belonging to another, whether natural or juridical, without right.”
Basta ang pagkuha at paggamit ng private information ng iba gamit ang computer ay para sa ilehitimong layunin, pasok yan sa identity theft na ipinagbabawal ng batas.
Bukod pa ‘yan sa ibang krimeng posibleng ginawa ng may sala, gamit ang informationg kinuha (hailmbawa- estafa)
Pwede niyo itong i-report sa PNP Anti-Cybercrime Group:
PNP Anti-Cybercrime Group
Phone: +63 (8) 723-0401 local 7491; +63 961 829 8083
Regional Directory: https://acg.pnp.gov.ph/main/contacts
E-Complaint: https://acg.pnp.gov.ph/eComplaint/
Facebook: https:/www.facebook.com/anticybercrimegroup
Paano iwasan ang identity theft
Para maiwasan ang identity theft, ingatan lagi ang inyong personal information.
Kilalaning mabuti at siguraduhin kung kanino ito ibinbigay, at kung para sa anong layunin.
Kasama d’yan yung mga dokumentong naglalaman ng identity information natin. (Halimbawa- mail, offers ng credit card mula sa bangko, pati mga package ng online shopping deliveries). Siguraduhin na burado o sirain ito bago itapon sa basura- para hindi mabasa at makuha ng iba ang inyong information.
Dapat password-protected rin ang inyong devices at online accounts para ‘di makuha ang information na nasa loob nito.
Kung ma-hack naman ang devices o accounts, pwedeng ituring na illegal access ‘yan na cybercrime rin, at pwede ring i-report sa PNP-ACG.