In general, ang cyber-bullying ay maaaring masaklaw ng Anti-Bullying Act kung ito ay nangyari sa isang high school o elementary setting. Sa batas na ito, inaatasan ang bawat high school at elementary na magkaroon ng guidelines ukol sa cyber-bullying at maaaring mapatawan ng parusa ang school kung mapatunayang hindi sumunod sa batas at hindi nag-issue ng guidelines para sa bullying.
Kung ang cyberbullying naman ay ginawa sa pamamagitan ng pag-expose sa iyong personal data nang walang pahintulot galing sa iyo, including pictures or videos ninyo, maaaring masaklaw ito ng violation ng, Data Privacy Act o RA 10173.
Sa pangkalahatan, ang krimen ng libel ay ang paglathala sa publiko (maaaring sulat, post sa social media, o salita “slander”) ng mga sadyang malisyosong imputasyon o pahayag na nakakapanira ng puri. Mayroon itong kaukulang parusang kulong o/at multa.
Under R.A. No. 11313 or the Safe Spaces Act, gender-based online sexual harassment includes acts that use information and communications technology in terrorizing and intimidating victims through physical, psychological, and emotional threats, unwanted sexual misogynistic, transphobic, homophobic and sexist remarks and comments online whether publicly or through direct and private messages, invasion of victim’s privacy through cyberstalking and incessant messaging, uploading and sharing without the consent of the victim, any form of media that contains photos, voice, or video with sexual content, any unauthorized recording and sharing of any of the victim’s photos, videos, or any information online, impersonating identities of victims online or posting lies about victims to harm their reputation, or filing false abuse reports to online platforms to silence victims.
Maari rin pong pumasok sa violation ng Anti-Photo and Video Voyeurism Act ang cyber bullying kung pinakalat o may pagbabanta ng pagpapakalat ng pictures o videos ninyo kung saan a person or group of persons performing sexual act or any similar activity o di kaya ay pinapakita ang private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast nang walang pahintulot ng mga nasabing persons.