Mainam na dumulog sa inyong mismong bangko or nag-issue ng credit card upang malaman kung paano ang proseso nila para sa disputes ng mga unauthorized transactions sa inyong credit card. Usually ay meron ding impormasyon tungkol dito ang inyong kontrata sa pag-issue sa inyo ng credit card.
Kung sakaling hindi tumugon ang bangko kahit na ginawa na ninyo ang nasasaad sa kanilang dispute process, maaari ninyong dalhin ang inyong complaint sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bilang ahensya ng gobyernong nangangasiwa sa mga bangko. Makikita ang mga paraan para mag-file ng complaint sa BSP sa sumusunod na link: https://www.bsp.gov.ph/Pages/InclusiveFinance/ConsumerAssistanceChannelsChatbot.aspx. Pwede ring sulatan ang BSP sa consumeraffairs@bsp.gov.ph.