Kamakailan ay lagi siguro nating naririnig ang salitang “Trademark” at “Copyright”- at maraming nagaaway-away tungkol dito.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga ito- at ano ang pagkakaiba nila?
In general, pareho itong pagkilala sa karapatan sa intellectual property.
Pero- iba ang paksa ng pinag-uusapan.
Una- ang “Trademark” ay brand name o logo na pinagkaka-kilanlan ng goods o services. Kung rehistrado sa Intellectal Property Office ang unique na Trademark, ang may-ari lang nio ang may eksklusibong karapatan na gamitin ito.
Halimbawa- Ang kilalang brands na “Jollibee,” “Bench,” o “Avon.”
Rehistrado ang trademarks nila- at sila lang ang pwedeng gumamit.
Hindi pedeng magbenta ng fried chicken at tawaging Jollibee ang tindahan; japeks na t-shirt pero may tatak na Bench, o lipstick na Avon- pero ‘di naman galling sa Avon!
Paglabag ito sa intellectual property rights ng may-ari ng Trademark, at may parusa ito sa batas.
Pangalawa- ang “Copyright” naman ay tumutukoy sa karapatan ng creators sa kanilang original literary or artistic works. Kasama dito ang:
- a) Books, articles, other writings;
- b) Dramatic or Musical compositions;
- c) Choreographic works;
- d) Drawings and paintings;
- e) Photographic work;
- f) Audiovisual works and cinematographic works
Dahil sila ang lumikha ng mga ito- ang original creator lang ang may kontrol at karapatan na gamitin, ipublish, i-perform, o pagkakitaan ang gawa nila.
Halimbawa, kung may kanta ang isang Filipino artist, o may bagong sineng ipinalabas-
Hindi mo lang basta pwedeng i-reupload ito sa Youtube! Kaya nagkakaroon ng tinatawag na copyright strike- dahil ginamit ang likha ng iba nang walang pahintulot ng creator.
Di tulad ng Trademark, ang karapatan sa copyright ay ‘di kailangang ipa-rehistro, at kinikilala ito from the moment of creation.
Sa madaling salita, ang Trademark ay para sa branding- at ang copyright naman ay para sa likhang sining.