Parusa sa traffic enforcer
Pag-usapan muna natin ang panig ng enforcer.
Bilang public officer, krimen na tumanggap ng lagay o bribe. Pinaparusahan ito sa Article 210 ng Revised Penal Code .
Kung sakalaing tinanggap ng enforcer ang pera at pinakawalan ang nahuli, pwede syang kasuhan ng Direct Bribrery.
Sa ganitong kaso, kailangang patunayan na:
- Ang may sala ay public officer;
- Tumanggap siya ng gift, present, offer o promise;
- Ang gift, present o promise ay binigay sa kanya para may gawin ang isang akto, o kaya naman ay para hindi gawin ang kanyang official duty; at
- Yung pinapagawa sa kanya ay kaugnay ng kanyang official functions bilang public officer.
Pero — sa batas ng bribery, hindi lang public officer ang puwedeng ma-kasuhan.
Parusa sa mga pribadong indibidwal
Sa mga pribadong indibidwal — krimen rin na mag-offer ng bribe o lagay sa mga public official.
Pinaparusahan ito sa Article 212 ng Revised Penal Code, at ang tawag sa krimen ay Corruption of Public Officials.
Sa ganitong kaso naman, kailangang patunayan na:
- Ang may sala ay nag-offer, promise, o nagbigay ng gifts or presents sa public officer; at
- Ang offer, promise, o pagbigay ng gifts or presents ay ginawa under circumstances na magiging liable ang public officer para sa bribery.
Ang sumubok maglagay- pwedeng kasuhan kahit hindi tinanggap ng public official.
Basta may offer ang private individual- at ang public official ay nalagay sa sitwasyon na magiging liable siya sa bribery, applicable ang krimen ng Corruption of Public Officials.
Sa paglaban sa kultura ng corruption, kasama rin tayo bilang mga pribadong indibidwal.
At lahat ng corrupt — public official man o mamamayan — may parusa ‘yan sa batas.