Ang isang regular na employee ay entitled sa security of tenure (di ka pwedeng tanggalin sa trabaho nang basta basta lang) at labor standards (e.g. minimum wage, hours of work, etc).
Ayon naman sa ating batas, ang isang regular na employee (maliban sa ilang exceptions) ay entitled sa mga sumusunod:
1. Minimum Wage
2. Holiday Pay
3. Premium Pay
4. Overtime Pay
5. Night Shift Differential
6. Service Charges
7. Service Incentive Leave
8. Maternity Leave
9. Paternity Leave
10. Parental Leave
11. Leave for VAWC
12. Special Leave for Women
13. 13th Month Pay
14. Separation Pay
15. Retirement Pay
16. ECC Benefits
17. Philhealth
18. SSS
19. Pag-IBIG
.
Ang mga nabanggit na benefits ay mandatory sa ilalim ng batas. Required ang bawat employer na ibigay ang mga nabanggit sa kanilang regular employees nakadepende lamang sa kung qualified sila sa mga ito sa ilalim ng ating batas.
Bukod sa mga nabanggit, malaya namang magbigay ang employers ng iba pang benefits subalit ang mga ito ay pawang kusang-loob or voluntary lamang. Hindi pwedeng pwersahin ang employer na ibigay ang karagdagang benefits.
Maaari naman ninyong kausapin ang employer para subukang manghingi ng karagdagang benefits o di kaya naman ay bumuo ng union para maprotektahan ang inyong karapatan bilang employees.
Hi, Atty. Chel Diokno. Sakop po ba dito sa mga pwedeng magkaroon ng benefits ang mga private school teachers? And ayos lang din po ba na wala po kaming pay slip? Nasa envelope lang po kasi namin natatanggap ang aming sahod. Salamat po. Thank you po
Tinanangal ako sa trabho ng wala ako kasalanan.
Hindi hinuhulogan lahat ng benefits ko sss phelhealt pagibig.
Tinangal ako dahil ayaw nya mag bigay ng 13montpay .
Wala ako natatangap na binefits sa aking amo .
At tinagal ako ng wala sapat na dahilan.
Tinangal ng wala sapat na dahilan.
Wala natatangap na binefits.