Ang recognized na salary deductions na ginagawa ng employer ay para sa mandatory contributions sa SSS, Pag-IBIG, at Philhealth, at withholding tax.
Sa Civil Code, puwede ring i-withhold ang suweldo kung may utang ang employee sa employer.
Sa Labor Code naman, in general ay bawal gumawa ng salary deductions ang employer, except for:
- (a) Insurance premiums advanced by employer for employee;
- (b) Union dues;
- (c) Deductions with written authorization of employee for payment to employer or third person.”
Pinapayagang bawasan ang suweldo para sa loss or damage sa tools, materials, or equipment supplied by the employer, pero puwede lang ito:
“when the employer is engaged in such trades, occupations or business where the practice of making deductions or requiring deposits is a recognized one, or is necessary or desirable as determined by the Secretary of Labor and Employment in appropriate rules and regulations.”
Ayon sa DOLE, applicable lang ang deductions for loss or damage sa private security agencies.
Kung wala sa nabanggit na allowable salary deductions, maaaring illegal deduction ito. Kung ang employer ninyo ay gumagawa ng illegal deductions sa suweldo niyo, puwede niyong i-contact ang DOLE Hotline: 1349 o sumangguni sa lokal na DOLE office sa inyong lugar.