Alam niyo ba- may mga LGU nang naunang gumawa ng ordinances para labanan ang diskriminasyon against the LGBT+ community sa kanilang lugar.
Sa Quezon City, meron nang “Gender-Fair Ordinance” noon pang 2014.
Dito, ipinagbabawal ang diskriminasyon sa employment, education, delivery of goods and services, at accommodations.
Ibig sabihin, hindi pwedeng ipagkait ang karapatan at serbisyo sa isang tao, dahil lang sa kanilang sexual orientation o gender identity at expression.
At may kaparehong ordinances na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa! Meron nito ang:
- Angeles City
- Antipolo City
- Bacolod City
- Baguio City
- Butuan City
- Cebu City
- Candon City
- Dagupan City
- Davao City
- General Santos City
- Iloilo City
- Mandaluyong City
- Mandaue City
- Manila City
- Marikina City
- Puerto Princesa City
- San Juan City
- Vigan City
- Zamboanga City
- Municipality of San Julian
- Agusan del Norte Province
- Bataan Province
- Batangas Province
- Cavite Province
- Dinagat Islands Province
- Ilocos Sur Province
- Iloilo Province
Kaya sa mga kababayan nating LGBT+ sa mga lugar na ito, please know that your rights to fair and equal treatment are protected. Kung makaranas ng diskriminasyon, lumapit sa inyong LGU.
Para sa mga nasa ibang lugar naman-
You have the power to call on your local sanggunians to enact similar ordinances, para protektado rin kayo.
Masaya ako na parami na nang parami ang LGUs na nag-aadopt ng protections para sa LGBT+ community. Sana lumago pa ito, at maipasa na agad ang national SOGIESC law.