Nakakalungkot sabihin- pero sa aspetong ito, hindi patay ang pagtrato ng batas sa babae at lalake pagdating sa pangangaliwa kahit na pareho namang kasal at may obligasyong sa isa’t isa.
In general, ang pangangaliwa ng isang taong ay may asawa ay maaaring maghantong sa dalawang posibleng kaso:
(1) adultery; o (2) concubinage.
Adultery sa ilalim ng Article 333 ng Revised Penal Code ang kaso kung ang nangaliwa ay babae- at Concubinage naman sa Article 334 kung lalake ang nagtaksil.
Alinman dito- damay ang karelasyon kung alam nilang may asawa ang karelasyon nila.
Patungkol sa inyong tanong, hindi po adultery ang pwedeng ikaso sa iyong asawa dahil nga lalake ito.
Applicable lang ang adultery kung:
- (a) may babaeng kasal; at
- (b) nakipag-talik siya sa lalaking hindi niya asawa.
Maaaring applicable ang concubinage sa inyong sitwasyon, pero sa krimen na ito- mas maraming kailangang patunayan.
Applicable ang condubinage kung:
- (a) may lalakeng kasal; at
- (b) ibinahay niya ang ibang babae sa tahanan nila ng kanyang asawa, o ang pagtatalik sa ibaay sa eskandalosong paraan, o kaya naman ay tumira siya kasama ng babaeng hindi niya asawa sa ibang lugar.
Mismong Philippine Commision on Women ang nagsabing hindi makaturngan ang magkaibang pagtrato dito ng batas, at dapat na talagang baguhin ito.