Bagamat mayroong batas ukol sa cyber libel, maaari pa ring magpost sa social media. Siguruhin lamang na iwasang maipasok ito sa libel o cyber libel. Huwag magpost ng mapanirang puri. Sa halip na mga akusasyon ang ipost, magpost na lamang ng mga tanong at saloobin o hinaing. Siguruhin rin na ang mga ipopost ay pawang mga katotohanan lamang at huwag magpost ng haka-haka. Nagkaroon na rin ang Supreme Court ng mga desisyon kung saan tinuturing na hindi saklaw ng libel ang fair commentaries on matters of public interest. Iwasan din magpost tungkol ng personal o sensitive personal information para hindi makasuhan sa ilalim ng Data Privacy Act.
Para hindi masaklaw ng cyber libel, kailangan siguruhin na hindi mapanirang puri ang ipopost.