Ang quitclaim ay isang dokumentong pangkaraniwang makikitang pinapapirmahan ng employer sa employee kung ang employee ay nagresign na and/or nabayaran na ukol sa kanyang mga karapatan sa collective bargaining agreement (CBA) o/at sa mga batas ukol sa employment at labor.
Pangkaraniwang sinasaad sa quitclaim na pinapalaya ng employee ang employer sa anumang obligasyon ukol sa kanilang employer-employee relationship at nangangako ang employee na hindi magsasampa ng kahit anong kasong may kinalaman sa kanyang employment laban sa employer. Ang dokumentong ito, kung na execute nang naaayon sa batas at kusang pinirmahan ng employee, ay maaaring gamitin ng employer upang ipadismiss ang kasong may kinalaman sa employment na sinampa ng employee laban sa employer.
Hindi naman required ang employee na pumirma ng nasabing quitclaim. Gayunpaman, kung maayos naman nagresign ang employee ay maipapayong pirmahan ito bilang pakita ng good faith at pagpapasalamat sa employer.
Sa kabilang banda, kung sakaling may reklamo ukol sa final pay ng employee o di kaya naman ay pinilit lamang magresign, karapatan ng employee na huwag itong pirmahan dahil nga ayon na rin sa nabanggit sa taas ay maaaring gamitin ang quitclaim laban sa employee upang ipadismiss ang kasong posibleng isampa nito.