Kahit anong edad, basta may kapasidad- dapat ay pwede pa ring magkaroon ng trabahong kalidad.
Dahil sa R.A. 10911- bawal ang Age Discrimination in Employment. Ang hiring- base sa abilidad, kaalaman, at kwalipikasyon- hindi sa edad.
May parusa ito sa employers na:
- Mag-print o publish ng anumang abiso na may preference, limitation, specifications, at discrimination base sa edad;
- Mag-require ng deklarasyon ng edad o date of birth sa application process;
- Mag-decline ng job application dahil sa edad ng aplikante;
- Magbigay ng mas mababang sweldo o tigilin ang i-deny ang promotion dahil sa edad;
- Mag-lay off ng empleyado dahil sa edad.
Basta’t may kakayanan – hindi pwedeng tratuhin ng iba, dahil lang nakatatanda o nakababata.
Ang exceptions lang ay kung ito ay talagang kailangan sa normal operation ng business; kung pag-respeto ito sa angkop na seniority system; o kung ang pagtanggal ng empleyado ay ayon sa voluntary early retirement plan.
At syempre, dapat pa ring sundin ang minimum employable age sa ating batas.